Ikaw ang lahat para sa akin,
ang mawala ka, di ko kayang maatim.
Kapag nandyan ka, buhay ko'y kay sigla,
punung-puno ako ng saya't ligaya.
Minahal kita ng todo todo,
puso ko'y sa simula palang ay sayo.
Hindi maisip ang gagawin,
sakaling ika'y lilisan saking piling.
Minsan mong sinabing, ''pwede bang magpatulong?''
oo agad ang naging sagot ko sa iyong tanong.
''Sa kaibigan mo pwede bang magpalakad?''
puso ko'y nadurog, nalaglag sa aking palad.
Tinulungan kita sa abot ng aking makakaya,
makita lamang ang mga ngiti sa iyong mukha.
Oo mahal kita, sa iba'y di na liligaya,
masaya ka sa piling nya, ayos na ang magparaya.
Hindi nagtagal ika'y kanyang sinagot,
sinabi mo sa akin, puso ko'y kumislot.
Mukha mo'y di maipinta sa sobrang tuwa,
Ako'y tumalikod, pinatulo ang luha.
Isang gabi'y umuwi kang malungkot, umiiyak;
umupo sa tabi kong luha'y pumapatak.
Tinanong kita ''Bakit? anong nangyari?''
sinabi mo sya'y may ibang lalaki.
Ako'y nanahimik, walang maiimik,
puso ko'y nagalit; sumigaw; nanikip.
Wala akong masabi,
bibig walang maimutawi.
Tinanong mo ako ''saan ako nagkulang?
minahal ko sya, oras ko's kanya lamang.''
Hindi ko napansin, luha ko'y pumatak,
hindi ko matiis yaong pag iyak.
Hinimas kita sa likod, binigyan ng payo,
''baka meron dyang mas nagmamahal sayo.''
Tumahan ka at ako'y iyong niyakap,
''salamat nandyan ka sa ginhawa't hirap.''
Hindi mo pa rin ba pansin aking nararamdaman?
na minamahal kita, oo magpakailan pa man?
Mahal kita, ako'y sa iyo lamang,
maghihintay ako kahit sa dulo nga walang hanggan.
Desisyon mo'y umuwi, pumunta muna ng probinsya,
doon muna titira at ika'y magpapahinga.
Isang buwan ding komunikasyon ay naputol,
ako'y di mapakali wari'y asong ulol.
Tinawagan, tinext at sinulatan kita,
ngunit kasagutan mula sayo wala ni isa.
Ako'y naghintay, araw gabi, nag aalala;
kumusta na kaya aking mahal, sinisinta?
Isang liham ang dumating, sa inyo nagmula,
agad binuksan; nagmamadali; nadapa.
Binasa ang liham, pisngi pinisil,
sa nilalaman ng liham; mundo ko'y tumigil.
Ika'y patay na, nagpatiwakal basta basta;
hindi mo raw kaya nang iniwan ka nya.
Nasadlak sa sahig, tuhod ko'y nanlambot,
katahimikan ang liham tanging naidulot.
Ang mundo ko, kaluluwa, wala na;
kailanma'y di ko na madarama.
Inumpog ang ulo, ako ay isang tanga,
Kung sa una pa lang sinabi ko na.
Nagparaya ka pa kasi!
sinisi ang sarili.
Natakot ka sa reaksyon nya,
natakot sa sagot na maaaring di kaya.
Ngayo'y huli na ang lahat, ika'y wala na;
malamig na bangkay na lamang ang aking makikita.
Irog ko, ako'y patawarin mo,
paki hintay ako dyan sa kabilang mundo.
Akalain mo!! pati sya mag papakamatay din!!? haay. BB