About Me
(Sigh)The Burden to describe one's self
Months yan noh. Obvious ba?
Moi Sites
Sige!! Taena kau na!
Messages
Yan ha... Di ko Binura Credits
Friday, November 03, 2006
Gloria, Marcos and Erap
Nakasakay si Gloria, Marcos at Erap sa isang sasakyan at tinatakasan ang mga galit na taong bayan. Tumirik ang sasakyan sa tabi ng tatlong matataas at madahong punong-kahoy. Bawat isa ay umakyat sa mga punong-kahoy. Si Gloria sa unang punong-kahoy, si Marcos sa pangalawa at si Erap sa pangatlo.
Dumating ang mga tao.
Lider: ''Yugyugin ang mga puno. Siguradong nagtatago ang mga iyon sa makapal na dahon.''
Niyugyog ng mga tao ang unang puno.
Sabi ni Gloria mula sa itaas ng unang puno: ''Tweet-tweet...tweet-tweet...''
Lider: ''Maling puno. Ibon lang nandyan; baka mataihan pa tayo. Yung susunod na puno!''
Niyugyog ng mga tao ang pangalawang puno.
Sabi ni Marcos mula sa itaas ng pangalawang puno: ''Sssssss.....sssssss.....''
Sa takot ng mga tao na mahulog sa kanila ang ahas, nagtakbuhan sila sa pangatlong puno.
Sa itaas ng panatlong puno, humihingi ng tulong si Erap kay Marcos na nasa katabing puno.
Erap: ''Marcos, Marcos, anong gagawin ko?''
Marcos: ''Basta, magpanggap kang isang hayop!''
Sa ibaba, ibinigay na ng lider ang hudyat para yugyugin ng mga tao ang pangatlong puno. At niyugyog nila ito nang malakas. Laking gulat nila nang makarinig sila mula sa itaas ng puno ng isang malakas at pamilyar na tunog.
''Mooooo.... moooooo...akooooo''