Millenium
Well, grabe talaga yung ginawang damage ni Milenyo..(Tama ba spelling?). Halos lahat ng puno sa campus natumba. Well, I know I am posting this way bayond the date but eto lang ang free time ko eh angal ka? As i was saying, haay... Grabe. Hindi kami pinalabas sa dorm and to make sure that did happen, pinadlocked pa ang gate. Zero visibility talaga ang nangyari, minsan bigla na lang may sangang magzuzoom in. Mga bandang 10, kumain na kami sa canteen at WOW!, ang baha abot tuhod na. After the disaster, yes! we were free! Goddamn! we were so hungry again! Akalain nyo bang magsara yung kaisa-isang canteen namin! Hello! 5 Units po yung papakainin nyo! So, nag ala Dora -the explorer kaming lahat sa dorm. Nilibot namin ang buong campus at nakarating pa kami hanggang junction -basta malayo toh. At long last, nakabili na kami at asar talaga!!! know why, nagbukas uli yung canteen. We wasted all that effort for nothing.! Well, di naman talaga, nag sight seeing pa kami sa campus at kitang-kita talaga yung disaster na ginawa ng bagyo. yung maliit na sapa namin sa Palma Bridge, pwedeng-pwede ka nang magrapids. All transportation ata eh cancel kaya nag decide na ako na bukas na lang umuwi. Wednesday night, may ilaw pa nung mga sandaling yun, may nag announce na wala ng pasok bukas ng Thursday. there was a huge uproar upon hearing dun sa announcement made. Thursday ng gabi, tumila na ang ulan, halos lahat sila nangangambang may pasok na kinabukasan. The hell I care naman, wala naman akong pasok tuwing Friday kaya ready na akong umuwi kinabukasan. Dahil sa pinsalang aming tinamo, well, Ala pa rin kaming pasok. And to add to that announcement, there was another announcement I do not know whether to consider this as good or bad telling us that we will have a week off but this extension would mean that pati ung sem break namin ay maeextend pa. 7:00 pa lang, handa na ako para umuwi. Pag sakay ko ng bus, halos 80% ng pasahero ay mga kakilala ko. Majority of which ay galing sa dorm ko. Grabe pa rin ang traffic sa Calamba, ang baha ay hanggang tuhod pa rin at hindi na kami umusad. 7:00 ako umalis ng UP at nakarating ako sa bahay mga bandang 5:00 na. Asar!! gutom na gutom na ako during those times. So we had a week break and late tuesday during our break, someone texted me saying that na ung USC daw at si Chansi ay nagmeeting at napagdesisyunan daw na may pasok na sa Wednesday. Hala! Paano na toh!? Nasa Manila ako!! May long test pa ako sa Wednesday at exactly 8:30!! Grabe! Ni isa sa mga hand-outs ko sa Sosc1 (Social Science) ay di ko pa nahahawakan!!. buti na lang at fraud pala yung message na un at may nagtext nanaman na huwag maniniwala sa kumakalat na certain text regarding Wednesday is the resuming date of classes. Haay!! grabe talaga. Ciao!