Adios bayang aking pinagnakawan,
Paalam bayang binusabos ng aking mga kaibigan.
Mutyang dinusta't hinalay ni Atong Ang.
Aalis akong batbat ng puna't kahihiyang
Isinabit ni Cavit, alang kwentang tsokoran!
Sa malawak na lansangan mula Edsa gat Mendiola,
Sambayanang galit ay nagsi alsa na.
Sumisigaw silang ako'y magresign na,
At kung magmamaugas ako'y sisipain nila.
Ako'y siguradong kangkungan ang punta.
Ako'y mamamaalam upang dilira ay mapawi,
Sa bayang ito na sobra nang sawi.
Baka sakaling ekonomya'y makabawi,
Kapag nawala na mga barkada't kroni,
At mga kalaguyong kagaya ni Laarni.
Simula't sapul ako'y may simpleng pangarap
Kuwarta't babae, mga mansion sana'y makakalap.
Kaya naman lubos-lubos aking pagsisikap,
Walang inatupag kundi ang pangongotong;
Sa jueteng at two-ball; sa casino at kuratong.
Kaya nang nahalal na maging pangulo,
Tinipon ang barkada, kakosa't kalaguyo,
Tuwing hatinggabi sa pag-uuntugang baso,
Tampok sa usapan paano mapagkwartahan
Buwis sa tabako; negosyo at pasugalan.
Ngunit lintik na Chavit, bakit mo ako isinabit?
Himutok ng dibdib lalong sumasakit,
Nang nabistong si Atong pala'y nangungupit.
Programa ko sa pabahy tuoly ay nabisto,
Di para sa mahihirap; kundi sa mga kabit ko.
pa-impeach-impeach pa kayo, 'nong akala n'yo?
Sa senado kaya kayo ay manalo?
Sa impeachment trial di kayo nakakadiguro,
Gaano man kabigat ang saksi ng prosekusyon,
Alang kwenta lahat pagdating ng resolusyon.
Labing-isang senador, sa akin naka panig,
Kung gusto'y pangalan ko pa aking mga kabig:
Si John at Tessie na lisa ang bibig,
Tig-sangmilyong balato, ayos na ang buto-buto
Alang kaduda-duda kung kanino sila boboto.
Naririyan si Miriam, aking pambato,
Hindi umuurong kahit na kanino,
Huwag lang sindakin ng biglaang demo.
Si Manong Johnny Enrile at bataang Honasan,
Mga kakamping lagi kong maasahan.
Si Niki Coseteng na umalis kunwari,
Tulad ni Tatad na sa partido ko bumatsi.
Ngunit yan ay bahagi lamang ng panlalansi.
Sina Kit at Niki tiyak sa akin papanig,
Sa katotohanan ay hindi dila makikinig.
Kay Tito Sotto ay tiyak-tiyak ako,
Kay Blas ay hindi rin ako kabado.
Kay Ramon Revilla, itaga n'yo na sa bato.
Si Jawo ang dapat na bantayan ng kalaban,
kapag nag-three point shot, tapos na ang laban.
Yang impeachment ay para ring sugalan,
numero lamang ang pinaglalabanan.
At sa numero't sugal kami ay namber wan,
Tiyak na tiyak ako sa aking labing-isa,
Kahit na anupamang gawing balasa.
Ngunit ang aking lubos na ikinakaba,
Ay ang lansangang dumadamba.
Protesta ng sambayanan patuloy na rumaragasa.
Sigaw ng mamamayan dapat ay mag-resign na,
patatalsikin kapag 'di kusang bumaba.
Nasaan na kayo mga dati kong kasangga?
Ano't iniwan akong nagdurusa?
Atong Ang, nasaan ka hayop ka?
Pareng FPJ, parang awa mo na.
Saklolo Danding, Tan, Maceda, Imelda at iba pa.
Kaya bago abutan ng bayang nagngangalit,
Baka sakaling pupuwede pang makapuslit.
Paalam masang aking pinbagtaksilan,
paalam sa bayang pinangakuan ko ng kasaganahan,
Bakit kasi kayo naniwala sa aking islogan?
Paalam na rin sa iyo Loi, aking namber wan,
Alam ko namang tiyak na ako'y iyong iiwan.
Jinggoy, Jude, JV, mga anak sa loob at labas,
mga kroni, kakosa, kainuman, kalaguyo, kasugalan;
Tara na't tayo'y magtungo sa kangkungan.
Don't get me wrong.. its not that may galit po ako kay Erap. it so happen na ang ganda kasi ng mga nangyari nuong sya yung naging president... Pasintabi po muna kay Jose Rizal.